Huwebes, Marso 15, 2012

Ulat mula sa Santos Binamera Command (Albay)

Ulat mula sa Santos Binamera Command (Albay)
Marso 9, 2012
Hinaras ng isang tim ng Santos Binamera Command ng mga pulang mandirigma ang detatsment
ng SCAA na nakabase sa Puro, Legazpi City, bandang alas-8:30 ng gabi. Tarantang nagsitakbuhan ang mga CAFGU at inabandona  ang detatsment nito.

Kasabay din nito, hinaras ng isa pang tim ng mga pulang mandirigma ng Santos Binamera  Command ang Community Police Assistance Center o CPAC 4 sa parte ng Taysan, Legazpi City dakong alas-8:30 ng gabi noong Marso 9, 2012. Isang sibilyan ang nadaplisan, nagtamo ito tama ng bala sa braso.

Marso 4, 2012
Hinaras ng isang tim ng Santos Binamera Command ng mga pulang mandirigma ang detatsment
ng 22nd Infantry Battalion na nakabase sa San Francisco, Legazpi City. Noong Marso 4, 2012
bandang alas-8:30 ng gabi.

Enero 16-19, 2012
Nagsagawa ng sunud-sunod na operasyong isnayp at haras ang mga pulang mandirigma sa bayan
ng Guinobatan, Albay laban sa pasistang tropa ng 2nd Infantry Battalion na naglulunsad ng
kontrarebolusyonaryong Oplan Bayanihan.

Inisnayp ng mga pulang mandirigma dakong alas-2 ng hapon noong Enero 16 ang mga tropa ng
2nd IB sa Bgy. Balite, Guinobatan at sinundan ng pagharas sa mga tropa ng 2nd IB sa Sityo
Danao, Bgy. Ongo dakong alas-3 ng hapon. Muling hinaras ng BHB ang mga tropa ng 2nd IB sa
Bgy. Balite, Guinobatan noong Enero 19 ng hapon.

Matagal nang pinalalayas ng mamamayan ang 2nd IBPA sa bayan ng Guinobatan dahil sa
napakalupit na rekord ng paglabag sa mga karapatang pantao sa paglulunsad nito ng Oplan
Bayanihan sa lugar

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento