Lunes, Marso 26, 2012

Paglilinaw sa Pahayag ng 9th ID sa Labanan Umano nitong Marso 19 sa Masbate

Ulat mula sa Jose Rapsing Command (NPA-Masbate): Paglilinaw sa Pahayag ng 9th ID sa Labanan Umano nitong Marso 19

Dalawang sundalo ang patay at sugatan ang iba pa nilang kasamahang sundalo na kasapi ng Alpha Company ng 9th Infantry Battalion at 93rd Division Reconnaissance Company (DRC) nang sila-sila ang mag-engkwentro sa Sityo Balunos, Bgy. Rizal, Dimasalang, Masbate nitong Marso 19 bandang alas-10 ng umaga.

Bago ang pangyayari, isang tim ng BHB ang nag-aabang sa mga nag-ooperasyong sundalo upang pasabugan ito ng command-detonated na landmine nang makita sila ng impormer ng militar na nakalapit sa kanila. Agad na umalis ang tim ng BHB upang lumipat ng pwesto.

Halos magkakasabay na inatake ng tatlong kolum ng nag-ooperasyong sundalo ang mataas na lugar sa pag - aakalang naroon pa ang mga pulang mandirigma. Umabot ng 30 minuto ang putukan sa pagitan ng mga pasistang sundalo bago nila nalaman na sila-sila na ang naglalabanan.

Upang mailihim sa mga taumbaryo ang kanilang kapalpakan naghintay munang dumilim ang mga sundalo bago kinuha ang kanilang mga patay at sugatan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento